^

PSN Palaro

Tulungan na lang natin si Eric Buhain

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Seryoso sa kanyang trabaho.

Ginagawa ang lahat ng makakaya niya.

May paninindigang maibangong muli ang mga atleta sa ating bansa.

Nagpupunyaging maging numero uno muli ang mga Pinoy sa sports.

Yan si Eric Buhain, ang bagong PSC Chairman, sa mata ng marami niyang ka-trabaho sa loob ng Philippine Sports Commission.

Wala pa mang isang taon si Eric sa kanyang puwesto pero ayon na rin sa ilang mga nasa liderato rin ng PSC, napakarami nang nagawa ni Eric at marami sa kanyang mga pangarap at naging misyon ay naisakatuparan na.

Noon pa mang isa pa lamang athlete itong si Eric ay napa-tunayan na niya kung gaano siya ka-dedicated at ka-focus. Ganyan din siya bilang estudyante noon.

Kaya noon pa man, alam na naming malayo ang mararating nitong si Eric. Noon pa man, alam na naming malaki ang maga-gawa niya sa sports dito sa ating bansa.

Noon pa man, alam na ni Eric ang mga pagdurusa ng ating mga athletes. Alam niya ang kondisyon ng mga quarters, ang mga maliliit na allowance, ang kakulangan sa sports equipment. Dahil dati siyang athlete at coach, alam niya ang lahat ng pinagdaraanan ng mga manlalaro.

At ngayong nariyan na siya at siya naman ang namamahala ngayon, umaasa ang mga atleta na magagawan ni Eric ng solusyon ang lahat ng kanilang problema. Na mabibigyan niya ng atensiyon ang kanilang mga hiling at reklamo.

At sa tingin naman namin, yan mismo ang ginagawa ni Eric.

Hiling lang natin sa mga nandiyan sa mundo ng sports, tigilan na muna natin ang intrigahan. Tigilan na muna natin ang walang humpay na politikahan.

Let’s give everyone a chance to prove himself. And let’s give them time. Hayaan na muna nating magtrabaho ang lahat ng mga nasa puwesto at tingnan natin kung ano ang magagawa nila saka na natin sila husgahan.

Para sa ikauunlad ng sports sa Pilipinas, magtulungan na lang muna kayo diyan...

Please lang...
* * *
Napatunayan ng isang aktres na mahal na mahal pala niya ang isang PBA player na isang Fil-Am.

Nung minsan eh nagkahiwalay na sila at si aktres ay na-tsismis na naman sa isang taga-showbiz din.

Pero kailan lang, madalas na namang nakikita sa PBA games itong si aktres at nagtsi-cheer kay Fil-Am.

Oo nga, nagkabalikan na sila.

Pero hanggang kailan na naman kaya?
* * *
Hindi na maabot ang kaibigan naming hairdresser ng mga basketball players at showbiz personalities na si Benjie Alipio.

Aba, aba, lumalabas na rin siya ngayon sa ‘Daboy and Da Girl’ ng Channel 7 na pinagbibidahan nina Rudy Fernandez at Rosanna Roces.

Aba, Benjie, baka mamaya nyan, maging TV host ka na rin ha?

vuukle comment

BENJIE ALIPIO

DABOY AND DA GIRL

ERIC

ERIC BUHAIN

FIL-AM

NIYA

PERO

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with