Ateneo vs Kutitap
May 29, 2002 | 12:00am
Sa pagkakataong ito, iisa lamang ang nasa isipan ni coach Koy Banal ang mabawian ang kanyang kapatid na si Joel sa muling paghaharap ng landas ng Kutitap Toothpaste at Ateneo-Hapee-Negros Navigation sa pagpapatuloy ng semifinals ng PBL Chairmans Cup sa Makati Coliseum.
Ang dalawang koponan ay kapwa galing sa impresibong dalawang sunod na panalo sa semis round kung saan tangka ng Blue Eagles na maitala ang kanilang ikaanim na dikit na panalo upang higit pang patatagin ang kanilang kapit sa solong liderato sa 10-3 win-loss slate.
Sa unang paghaharap ng dalawang koponan, hindi gaanong nakalayo ng husto ang Blue Eagles kung saan kinailangan nilang dumaan sa butas ng karayom bago nila nagapi ang Teeth Sparklers sa iskor na 67-66 noong Mayo 17.
Sa labang ito, pitong ulit na nagtabla ang dalawang koponan na tinampukan ng walong beses na pagpapalitan ng bentahe kung saan sa huling 34.8 segundo, abante ang Ateneo sa 67-66, sumablay ang jumper ni Ryan Dy na siyang dahilan ng kanilang pagkatalo.
"Lucky breaks keyed our victory then and for sure, Kutitap will give its all para makabawi sa amin," ani Joel.
Nakatakda ang pagtitipan ng Kutitap at Ateneo sa alas-3 ng hapon bago susundan ng sagupaan sa pagitan ng ICTSI-La Salle at Shark Energy Drinks sa alas-5 ng hapon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended