^

PSN Palaro

Take it.....

- Nap Gutierrez -
Nakausap namin kamakailan lang ang isa sa mga commissioners ngayon ng Philippine Sports Commission na si William ‘Butch’ Ramirez.

Inamin niya na medyo naging kontrobersiyal ang PSC recently dahil sa hidwaan nila with the Commissioner Cynthia Carrion pero sinabi niyang sa tingin niya eh medyo humupa na rin ang gulong ito among themselves.

"Siguro na-realize din namin sa isa’t isa na kami rin ang masisira, kami rin ang magugulo kapag ganitong magulo kami. And lately, I feel that the tension has slowly been eased out. Okay naman kami sa mga meetings namin and we are able to discuss and thresh things out kapag may mga pinag-uusapan kami," sabi ni Ramirez.

Ito palang si Comm. Ramirez ay dating athletic director ng Ateneo de Davao and for a long while, naging basketball coach din siya roon at nagkaroon din siya ng coaching stint sa Australia.

Ikinuwento niya sa amin na sa ngayon, very massive ang kampanya niya to look for talents from the grassroots.

"Kami sa Mindanao, we’re working hard to discover talents from the grassroots level. Sa tingin ko, diyan ka talaga makakakuha ng magagaling na talents. There are so many untapped talents in this country. Kaya naman ako, since I assumed my post sa PSC, walang tigil ang sports programs namin for Mindanao. We even had the Mindanao games and this November, we’re holding our second year. I have encouraged the mayors and governors sa Mindanao na palawigin ang kanilang sports programs and I have committed my full support to all their projects," dagdag pa niya.

Buong-puri rin naman siya kay Eric Buhain.

"Let’s give the guy the chance to prove himself. Wala pa naman siyang six months sa puwesto niya. Since the time he assumed his post, I could say that he has achieved a lot of things. Hindi lang siya nag-iingay sa mga nagagawa niya, but we the commissioners at yung mga tao dito sa PSC have seen how he works, how he deliver. Para sa kin, yun ang importante, yung maka-deliver ka. Marami na rin siyang nagawang projects at may resulta. He’s doing his best, kaya pabayaan na muna natin siyang magtrabaho," sabi ni Ramirez in reaction sa iba kahit paano’y di mo maiwasang tumutuligsa sa liderato ni Buhain.

Si Comm. Ramirez ay kapatid ni Jay Ramirez na dating player ng Shell, Si Jay ay coach na ngayon ng University of San Carlos team sa Cebu na kasalukuyan ngayong nandito sa Manila para sa kanilang team building.

Inamin ni Ramirez na ang pagbibigay ng serbisyo sa gobyerno ay ma-intriga pala."Napaka-intriga pala nitong nasa ganitong klase ng serbisyo. Pero kahit gaano man siya kaintriga, I have learned to face them. Nung tinanggap ko ang puwesto na ito, I have committed to doing my best for the love of sports and the love of country, at hanggang ngayon, that commitment stays, hindi lang sa utak ko, kundi sa puso ko."

COMMISSIONER CYNTHIA CARRION

ERIC BUHAIN

INAMIN

JAY RAMIREZ

MINDANAO

NIYA

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RAMIREZ

SI COMM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with