Animnapung siklista na kakatawan ng 10 regional teams ang maglalaban-laban para sa karangalan sa Tour of Calabarzon na itataguyod ng Airfreight 2100 bilang hudyat sa pagbabalik ng Tour.
"It's all systems go. Everything's in place, everybody is ready and excited and the cyclists are bound to give their all, perhaps more than they did before," pahayag ni Bert Lina, chairman ng Airfreight 2100, ang kaisa-isang franchisee ng Federal Express sa bansa na agad naging 'godfather' ng Philippine cycling dito sa bansa.
Inaasahang muling magiging matunog ang mga pangalang Warren Davadilla, two-time titlists Renato Dolosa, ang ageless ex-champ na si Rolando Pagnanawon na mapapalaban kontra sa 25-rookies.
Nakataya ang P50,000 premyo para sa overall individual classification winner habang naghihintay naman ang P200,000 para sa team champion.
"The eagerness is very evident among the riders, now that they have something to look forward to in as far as their sport and passion are concerned," pahayag naman ni Lito Alvarez, presidente ng Airfreight 2100 na siyang nag-organisa ng FedEx Tour.