Gomez yukod kay Ramos

Yumukod ang defending champion John Paul Gomez kay Anthony Ramos noong Linggo sa second round ng Philippine Youth Age-Group Chess Championships na ginaganap sa 2/F Centermall, Greenhills Shopping Center sa San Juan.

Ginapi ni Ramos na naglalaro para sa St. Benilde ang Sicilian defense ni Gomez upang makasama ang walong iba pang manlalaro na nagtala ng perfect scores sa premier Boys’ Under-20.

Ang iba pang may dalawang puntos na nalikom ay sina International Master Mark Paragua, Roland Salvador, FM Severino Sander, NM Oliver Barbosa, Leonard Reyes, Jonathan Calapati, Abraham Bayron at Irwin Aton.

Apat ang naitalang upset sa tatlong division.

Show comments