Purefoods kampeon
May 27, 2002 | 12:00am
Itinuloy ng Purefoods TJ Hotdogs ang naudlot na selebrasyon nang tuluyan na nilang angkinin ang titulo sa Samsung-PBA Governors Cup sa pamamagitan ng 91-76 panalo kontra sa Alaska Aces sa deciding Game Seven, kagabi sa dinumog na Araneta Coliseum.
Ito ang ikaanim na titulo ng Purefoods matapos ibsan ang limang taong pagkauhaw sa titulo at pagpagin ang kamalasan sa huling tatlong Game Seven kung saan laging silang naiisahan.
Ito rin ang unang Governors Cup title ng Purefoods sa ilalim ng rookie coach na si Ryan Gregorio, na unang rookie coach din na lumaban sa Game Seven at tanging coach na nakabalik mula sa 0-2 deficit sa serye tungo sa tagumpay.
Diniskaril ng Purefoods ang malaking rally ng Alaska sa second half upang isukbit ang titulo at tapusin ang best-of-seven titular showdown sa 4-3 panalo-talo baraha.
Pinangunahan ni import James Head ang 14-4 run sa ikaapat na quarter upang makalapit ang Alaska sa 68-77 buhat sa 73-54 pag-kakabaon sa kanila ng Purefoods sa kaagahan ng naturang yugto.
Ngunit bumawi si Best Import Derrick Brown sa kanyang kahinaan sa first half, kung saan nakalikom lamang ito ng apat na puntos, para pamunuan ang 9-2 run at iselyo ang tagumpay.
Umabante pa ng hanggang 20 puntos ang TJ Hotdogs, 58-38 matapos ang back-to-back basket ni Alvin Patrimonio ngunit isang 16-4 salvo ang pinakawalan ng Aces upang bahagyang makalapit sa 54-62 bago matapos ang naturang yugto.
Sa likod ng kahinaan ni Brown sa first half, ipinakita ng Purefoods ang kanilang matinding determinasyong ituloy ang naudlot na selebrasyon nang kanilang iposte ang 44-30 kalamangan sa halftime. (Carmela V. Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended