^

PSN Palaro

Megamall skaters nakabangon

-
Nakabalik ang Megamall skaters mula sa kanilang masamang panimula upang talunin ang paboritong Southmall team at mabawi ang overall title sa pagtatapos ng 2002 SM ISI-Asia Summerskates championships noong Huwebes ng gabi sa Megamall ice skating rink.

Nagparamdam na ang Southmall na makukuha na nila ang kanilang ikalawang sunod na titulo nang itala ang 702.1-587.07 puntos na kalamangan makaraan ang unang araw ng kompetisyon, subalit nagpakitang-gilas ang fast-rising Freestyle skaters na sina Ma. Patricia Ollero at Shamir Supangan upang tulungan ang Megamall sa kanilang pag-ahon.

Tumapos ang Megamall ng 1,227.02 puntos, habang nagtala naman ang Southmall na nakuntento lamang sa ikalawang puwesto ng 1,207.03 matapos ang dalawang araw na hostilidad na inorganisa ng Ice Skating Union of the Philippines at sanctioned ng Ice Skating Institute-Asia.

Humakot ang 9-anyos na si Ollero ng 11 golds at dalawang silvers upang ibulsa ang kanyang ikalawang Highest Pointer Award sa Female-Freestyle level nang magtala ng 51.83 puntos upang talunin si Supangan na umiskor ng 45 puntos.

ASIA SUMMERSKATES

FEMALE-FREESTYLE

HIGHEST POINTER AWARD

HUMAKOT

ICE SKATING INSTITUTE-ASIA

ICE SKATING UNION OF THE PHILIPPINES

MEGAMALL

PATRICIA OLLERO

SHAMIR SUPANGAN

SOUTHMALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with