NABF title nasungkit ni Peñalosa
May 26, 2002 | 12:00am
Nananatiling buhay ang tsansa ni World Boxing Council International superflyweight champion Gerry Peñalosa na muling makaharap ang world champion Masamori Tokuyama para sa isang re-match.
Itoy makaraang irehistro ni Peñalosa ang isang unanimous decision kontra Mexican champion Oscar Andrade kahapon upang maisubi ang North American Boxing Federation title sa harap ng mga manonood sa Feather Falls Casino, may 70 milya ang layo mula sa Sacramento, California.
Ang lahat ng tatlong mga judges ay umiskor ng ng pabor para kay Peñalosa na nakalinya na para harapin ang Japan-born North Korean na si Tokuyama sa isang rematch sa Nov. 8.
Umiskor si John Shorle ng isang lopsided na 119-109 pabor sa Pinoy pug, habang binigyan naman ni Terry Smith ang 30-anyos na boksingero ng 117-112 panalo.
Ungos lamang si Peñalosa ng dalawang puntos sa ibinigay na marka ng ikatlong judges na si Glen Hamada na 115-113.
Isa sa nagbigay ng inspirasyon kay Peñalosa upang ipanalo ang kan-yang laban ay ang personal na pagdalo ni International Boxing Federation superbantamweight champion Manny Pacquiao kung saan ito ay nagti-training din sa Wild Card Gym ng Amerikanong si Freddie Roach sa Los Angeles.
Bahagyang naging mabagal ang panimula ni Peñalosa, pero sa kabila ng pagkakaroon niya ng hiwa sa ibabaw ng kilay sa ikapitong round, nagawa pa rin niyang lusutan ang tigasin ring si Andrade.
Base sa ilalim ng NABF rules walang puntos na ibabawas para sa isang accidental head-butt.
Kabilang din sa nagbigay ng suporta kay Peñalosa ay ang panonood sa ringside ng kanyang manager na si Atty. Rudy Salud, kasama ang kanyang anak na isa ring abogado na si Chito, Rod Nazario at ang kaparehang si Lito Mondejar.
Ayon kay Salud, sinabi nito na maligaya siya sa naging resulta ng pagsasakripisyo ni Peñalosa para muling maibalik ang world crown para sa kanyang asawang si Goody, dalawang anak at higit sa lahat para sa bansa.
"It was a good, tough, tune-up fight for Peñalosa," ani Salud kung saan ang naturang laban ay ipalalabas ng Viva Vintage sa IBC-13 sa Hunyo 1, simula sa alas-10 ng gabi.
Ayon pa kay Salud, nag-improve ng 50 percent ang performance ni Peñalosa kontra sa nalalapit na title fight nila ni Tokuyama.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended