Spring Cooking Oil kampeon
May 25, 2002 | 12:00am
CEBU CITY--Sumandig ang Spring Cooking Oil sa tikas ni Jeremy Robinson sa huling maiinit na bahagi nang kanyang trangkuhan ang Spring sa 85-79 panalo kontra ML Kwarta Padala at ibulsa ang National Interclub basketball crown noong Huwebes ng gabi sa Cebu Coliseum dito.
At dahil sa taas ng paglipad ni Robinson nang kanyang banderahan ang opensa ng Spring, nagawa nilang umahon mula sa pitong puntos na deficit sa third canto upang tagpasin ang kanilang kalaban sa pamamagitan ng 10-4 bomba sa huling dalawang minuto ng labanan.
Inagaw ng Spring ang interclub crown sa mga kamay ng M. Lhuillier na nanaig naman kontra Koreas Konkuk University, 98-85 sa unang laro para sa ikatlong puwesto.
Tumapos si Robinson ng 30 puntos,habang nagtala naman ang seven-time Best Import na si Bobby Parks ng 17 puntos, pero si Joel Co ang siyang nahirang na Most Valuable Player ng liga.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest