"We finally solved our weakness. We kept away from foul trouble and we made key adjustments in the final period," wika ni coach Tito Palma makaraang ang Spring Five na pag-aari ni natioinal shooting champion Nathaniel "Tac" Padilla ay umusad palapit sa isa pang korona.
Naibulsa ng Spring ang national title noong nakaraang taon at kanilang dinala ang bandila ng bansa sa nakaraang ABC Champions Cup kung saan tumapos sila ng ikapitong puwesto.
Sa iba pang laro, ginapi ng ML Kwarta Padala ang Konkuk University of Korea, 86-64 upang tumapos ng asignatura sa elimination na tabla ang Spring sa 3-1 win-loss slate.
Humakot ang high-leaping na si Jeremy Robinson ng game-high 34 puntos, kabilang ang pitong triples upang dalhin ang Spring sa panalo.
Sumuporta ang seventh-time Best Import na si Bobby Parks kay Robinson sa kanyang kinamadang 29 puntos.