Magiging aktibong bahagi pa rin ang mga dating kampeon na sina Carlo Guieb, Rolando Pagnanawon at Renato Dolosa sa nasabing Calabarzon race na magsisilbing kickoff race para sa muling pagbuhay ng annual cycling Tour.
Ipinapaubaya ni Guieb, gumawa ng sariling pangalan sa kanyang rookie year nang dominahin ang mga akyatan na kanyang teritoryo sa mas batang siklista nang kunin ang coaching job para sa pinapaborang Nueva Ecija squad.
"Panahon na para sa mga bagong siklista na gumawa ng kanilang mga pangalan sa Tour. Noong panahon namin, ganun din kaming mga bata, mapusok at gustong-gusto naming talunin ang mga beterano," pahayag ni Guieb na nanalo ng Tour back-to-back noong 1993-94.
Sa tutoo lang, atat na atat na sanang pumadyak uli si Guieb, pero ang nakasagabal sa kanya ay ang pagpapakasal niya kamakailan lang.
Habang umiba naman ng landas si Guieb, kaiba naman kay Dolosa kung saan plano pa nitong muling pumedal sa kahuli-hulihang pag-kakataon.
Ang lineup ng 10 koponan na kalahok sa apat na araw na karera ay kasalukuyang sinusuri ng Tour secretariat upang madetermina ang drafting order ng koponan na pipili ng mga siklista mula sa national pool upang palakasin ang kani-kanilang team.