Mas maganda ang pagtatapos na ginawa ngayon ni Buenavista kumpara sa una niyang performance ng pumangalawa lamang siya sa Indian runner sa 3,000-meters ng unang yugto na ginanap sa India noong Mayo 18 nang matalo sa 5,000 meters gold medal na nagkakahalaga ng $2,000 sa huling 500 metro lamang.
Nangako ang 23-anyos na tubong Sto. Niño, South Cotabato na bihasa sa 3,000 steeplechase, pero ginagamit niya ang 3,000 at 5,000 karera sa Grand Prix upang palakasin ang kanyang build up para paghandaan ang mas mahigpit na labanan sa Asian Games sa Busan, Korea sa Setyembre na ibibigay niya ang lahat ng kanyang lakas sa Linggo.
"Pipilitin kong makabawi sa Linggo, sa harap ng ating mga kababayan. Hindi na pera-pera ang labanan dito, pangalan na ng bayan ang nakataya," pahayag ni Buenavista na nag-uwi ng ginto sa 3,000 at 5,000 M sa nakaraang taong Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Tinawid ni Sivananda ang finish line sa tiyempong 14:39.65, habang nagtala naman si Buenavista ng 14:40.77 na sinundan nio Jirasak Suthichart ng Thailand na may oras na 15:16.38.