^

PSN Palaro

Buenavista talo sa Indian pero gumanda ang performance

-
Sa ikalawang pagkakataon, muling nalasap ni Eduardo Buenavista ang kanyang ikalawang sunod na pagkatalo sa likod ng long distance specialist Sivananda ng India sa ikalawang yugto ng Asian Grand Prix sa Bangkok, Thailand noong Martes, subalit ang kanyang pagkatalo ay nagpapakita lamang ng malakas at determinadong pagbawi sa PCSO-PSC Manila third leg sa Mayo 26 sa Rizal Memorial oval.

Mas maganda ang pagtatapos na ginawa ngayon ni Buenavista kumpara sa una niyang performance ng pumangalawa lamang siya sa Indian runner sa 3,000-meters ng unang yugto na ginanap sa India noong Mayo 18 nang matalo sa 5,000 meters gold medal na nagkakahalaga ng $2,000 sa huling 500 metro lamang.

Nangako ang 23-anyos na tubong Sto. Niño, South Cotabato na bihasa sa 3,000 steeplechase, pero ginagamit niya ang 3,000 at 5,000 karera sa Grand Prix upang palakasin ang kanyang build up para paghandaan ang mas mahigpit na labanan sa Asian Games sa Busan, Korea sa Setyembre na ibibigay niya ang lahat ng kanyang lakas sa Linggo.

"Pipilitin kong makabawi sa Linggo, sa harap ng ating mga kababayan. Hindi na pera-pera ang labanan dito, pangalan na ng bayan ang nakataya," pahayag ni Buenavista na nag-uwi ng ginto sa 3,000 at 5,000 M sa nakaraang taong Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Tinawid ni Sivananda ang finish line sa tiyempong 14:39.65, habang nagtala naman si Buenavista ng 14:40.77 na sinundan nio Jirasak Suthichart ng Thailand na may oras na 15:16.38.

ASIAN GAMES

ASIAN GRAND PRIX

BUENAVISTA

EDUARDO BUENAVISTA

GRAND PRIX

JIRASAK SUTHICHART

KUALA LUMPUR

LINGGO

RIZAL MEMORIAL

SIVANANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with