Serye tatapusin ng Purefoods
May 23, 2002 | 12:00am
Sa isip ng Purefoods TJ Hotdogs, tatapusin na nila ngayon ang championship series para makopo ang titulo ng Samsung-PBA Governors Cup.
Para naman sa Alaska Aces, kailangan nilang pigilan ang napipintong selebrasyon ng Purefoods upang maipuwersa ang winner-take-all na Game Seven.
Sino kaya sa Alaska at Purefoods ang makakapagsakatuparan ng kanilang iniisip?
Ito ang malalaman ngayon sa Game Six ng best-of-seven championship series na sisimulan sa ganap na alas-6:30 ng gabi sa Big Dome.
Mataas ang morale ng TJ Hotdogs na harapin ang Aces sa engkuwen-trong ito dahil sa kanilang hawak na 3-2 bentahe sa serye makaraang tagpasin ang 2-2 pagtatabla sa pamamagitan ng 84-72 panalo sa Game Five kamakalawa.
"Malaki ang advantage namin because its like having the twice-to-beat edge. But you have to remember that if you lose the first game when you have the twice-to-beat advantage, then you dont have any edge at all in the second match," wika ng Purefoods interim head coach Ryan Gregorio. "So definitely we will try to finish it today."
Kailangan naman ni Alaska coach Tim Cone na maging malamig ang ulo sa larong ito upang di maulit ang kanyang pagkaka-thrown-out sa kanilang nakaraang laban na naging malaking dahilan ng pagkatalo ng Aces.
"Im extremely frustrated. Thats my problem. Frustration makes a bad coach and Im a bad coach right now. I just have to find a way out of this," wika ni Cone. "Were not executing as well as we should. Were not making adjustments well."
"Were having difficulty doing the things we want to do defensively. Against San Miguel, we were allowed to climb over backs. Now, were not allowed to do that. We want to deny Derrick Brown the ball a lot but we cant do it."
Kung magtatagumpay ang Purefoods, sila ang unang koponang matagumpay na nakabangon mula sa 0-2 pagkakabaon sa serye sapul nang nagawa ito ng Toyota taong 1982. (Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am