Napakinabangan si Kerby
May 18, 2002 | 12:00am
Sa kasalukuyang best-of-seven Finals ng Samsung-PBA Governors Cup sa pagitan ng Purefoods at Alaska Aces ay napapatunayang tama ang desisyon ng Hotdogs na kunin si Kerby Raymundo sa Batang Red Bull sa pamamagitan ng trade bago nagsimula ang season.
"We are vindicated dahil nakikita naman ang contribution ni Raymundo sa amin ngayon," ani Purefoods interim head coach Paul Ryan Gregorio.
Marami talaga ang nagtaka kung bakit ipinamigay ng Thunder si Raymundo sa Hotdogs gayung batang-bata ang manlalarong ito at napaka-promising ng kanyang future. Biruin mong hindi napakinabangan ng Red Bull si Raymundo sa kanyang unang season dahil sa nasuspindi siya. Pagkatapos ay hindi din siya gaanong nakapamayagpag noong isang taon dahil sa ang mga unang options ng Red Bull ay ang mga Fil-foreigners na sina Davonn Harp at Mick Pennisi.
Kung nabigyan lang ng mahaba-habang playing time si Raymundo noong isang taon ay tiyak namang makakapagtala ito ng magagandang numero. Pero hindi nga ganoon ang nangyari.
At sa kampo ng Purefoods ay nakuha niya ang hindi naibigay sa kanya ng Thunder. Suwerte din siya dahil sa wala si Andrew John Seigle na isa sa tatlong Hotdogs na napabilang sa Philippine Team sa Busan Asian Games.
Pero marami pa rin siyang kalaban sa Purefoods. Ang daming malalaking players ng Hotdogs tulad nina Richard Yee, Bonel Balingit, Chris Cantonjos at Jolly Escobar. Sa kabila nito, siya ang ginawang starter ni Gregorio at hindi naman niya hiniya ang kanyang coach.
Kung titingnang maigi ang performance ni Raymundo ay makikitang nag-improve siya buhat sa elims tungong semifnals at finals.
Sa 11-game elimination round sked ng Hotdogs, si Raymundo ay nag-average ng 3.91 puntos, 3.55 rebounds, 1.18 assists, 0.27 steal, 0.18 blocked shot at 1.91 errors.
Subalit sa sumunod na siyam na laro (isang quarterfinals, limang semifinals at tatlong finals), tumaas ang mga numero ng dating Grand Knight ng Letran College. Buhat sa quarterfinals hanggang sa Game Three noong Huwebes, si Raymundo ay nag-average ng 8.89 puntos, 5.11 rebounds, 2.78 assists, 0.22 steal, 0.44 blocked shot at dalawang errors.
Sa kabuuang 20 games, si Raymundo ay may average na 6.15 puntos, 2.45 rebounds, 1.15 assists, 0.25 steal, 0.3 blocked shot at 1.95 error.
Sa Game Two ng Finals kung saan natalo sa double overtime ang Hotdogs, 106-102 ay naging offensive option pa ni Gregorio si Raymundo na nakipagduwelo sa import na si James Head. Doon ay natapos si Raymundo nang may 16 puntos.
Kaya naman sinasabi ng lahat na sigurado na ang kinabukasan ng Hotdogs dahil sa nakuha nila ang isa sa pinaka-importanteng malaking tao ng liga.
At hindi magiging kataka-taka kung maging top contender si Raymundo para sa Most Improved Player award!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended