^

PSN Palaro

Clay, Flowers una sa statistic

-
Hawak ng Fil-Am duo na sina Chris Clay at Jeffrey Flowers ang pangunguna sa statistics ng MBA makaraan ang elimination round ng First Conference.

Muling nabawi ni Clay, naglalaro sa koponan ng Osaka Pangasinan ang pagiging MBA scoring king sa kanyang itinalang average na 27.3 points kada laro, habang di naman gaanong nakakalayo si Flowers, gumigiya sa Laguna Lakers na may 24.4 ppg.

Sa kabila ng hindi paglalaro ni Alex Compton ng apat na games dahil kinailangan niyang bumalik sa Amerika upang alagaan ang amang may sakit, pumangatlo pa rin ito sa kanyang ipinosteng 19.7 ppg.

Ang iba pang nasa top five ay sina Jeff Sanders ng Laguna na may 19.1 ppg, Bruce Dacia ng Cebuana Lhuillier Gems na may 18.0 ppg.

Malakas ang tsansa ni Flowers na makopo ngayong taon ang MVP award dahil sa kanyang pagdomina sa rebound department sa kanyang hinatak na 15.5 rebounds kada laro.

ALEX COMPTON

AMERIKA

BRUCE DACIA

CEBUANA LHUILLIER GEMS

CHRIS CLAY

FIRST CONFERENCE

JEFF SANDERS

JEFFREY FLOWERS

LAGUNA LAKERS

OSAKA PANGASINAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with