Titulo naidepensa ng RTU-Mandaluyong
May 12, 2002 | 12:00am
TALAVERA, Nueva Ecija Matagumpay na naidepensa ng RTU-Mandaluyong ang kanilang iniingatang titulo sa ika-12th pagkakataon nang kanilang igupo ang Manila-Adamson U, 7-4 kahapon sa men and women Philippine Fastpitch Softball tournament na ginaganap sa Talavera National High School ground dito.
Napanatili ng RTU-Mandaluyong ang kanilang titulo matapos na manalasa sa elimination round kung saan wala itong natikman na kabiguan hanggang sa semifinal page system.
Angat ang Adamson U sa unang tatlong inning, sinikap ng Mandaluyong-based na umahon sa simula ng ikaapat na inning nang humataw ng apat na run upang agawin ang trangko sa 4-3 na hindi na nila binitiwan pa.
Nauna rito, nayamani muna ang RTU sa Bacolod, 8-2 sa winners bracket, samantalang winalis naman ng Manila-Adamson U ang Bukidnon, 7-2 na nagsaayos ng kanilang titular showdown.
Samantala sa mens division, ginapi ng UM-Davao ang PUP, 1-0, naungusan ng Zamboanga ang Imus, 2-1 upang makasama ang Bulacan at Army na nakapasok sa semis.
Maghaharap ang Bulacan at Army sa winners bracket at magsasagupa naman ang Zamboanga at UM-Davao sa losers bracket na ang mananalo ay makakalaban ng matatalo sa winners bracket.
Ang laro ay sisimulan sa alas-8 ng umaga ngayon dito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest