Game One ng Finals sa PBA

Magsisimula na ngayon ang giyera ng Alaska Aces at Purefoods TJ Hotdogs para sa titulo ng Samsung-PBA Governors Cup.

Game One ngayon ng best-of-seven titular showdown ng Aces at TJ Hotdogs sa Araneta Coliseum na sisimulan sa dakong alas-5:45 ng hapon.

Naisaayos ng Aces at TJ Hotdogs ang kanilang championship showdown makaraang tapusin ang best-of-five semifinal series kontra sa San Miguel at Coca-Cola Tigers sa 3-2 panalo-talo ayon sa pagkakasunod.

Dahil nabigong makapasok sa kampeonato, ang konsolasyong ikat-long posisyon na lamang ang habol ng Beermen at Tigers sa kanilang knock-out match sa dakong alas-3:45 ng hapon.

Ito ang unang finals appearance ng Purefoods mula noong magta-gumpay kontra sa Gordons Gin, 4-2 para sa 1997 All Filipino Title.

Ang Alaska naman ay nasa kanilang ika-19th finals appearance sapul nang pumasok sa PBA taong 1985.

Show comments