^

PSN Palaro

Semifinals aasintahin ng Negros vs Pangasinan

-
Awtomatikong semifinals berth ang aasintahin ng RCPI Negros Slashers sa kanilang pakikipagtunggali sa Osaka Pangasinan Waves sa alas-6 ng gabi ngayon sa MBA First Conference sa University of Saint Las Salle (USLS) Coliseum sa Bacolod City.

Bahagyang paborito ang Slashers na manaig dahil sa kanilang home court advantage, bukod pa rito ang ipinakitang pagdausdos ng Waves sa huling laro nila matapos na magkulapso ang kanilang itinayong 22 puntos na kalamangan bago yumukod sa Batangas Blades, 89-86 noong nakaraang linggo.

Taglay ang 6-2 win-loss slate, kasalukuyang nangunguna ang Slashers sa Southern Conference at isang panalo na lamang ang kanilang kailangang upang ganap ng makapasok sa semifinals.

Inaasahang ibubuhos lahat ng Waves na babanderahan nina Chris Clay at Romel Adducul ang kanilang lakas upang pagandahin ang kanilang 4-4 kartada upang makaiwas sa pagkakasibak.

Muling sasandig ang Slashers sa mga balikat nina John Ferriols, Reynel Hugnatan, Ruben dela Rosa, Jose Francisco at ang backcourt tandem na sina Dennis Madrid at Dino Aldeguer.

Habang sinusulat ang artikulong ito, kasalukuyang naglalaban ang Blades (4-3) at Cebuana Lhuillier Gems (5-3) sa Lipa City Youth and Cultural Center.

Samantala, inihayag ni MBA Commissioner Joaquin ‘Chito’ Loyzaga ang pagkakaroon ng pagbabago sa schedule ng mga laro sa elimination round.

Ang laro na orihinal na nakatakda sa araw ng Linggo ay iniliban at sa halip ito ay gaganapin na bukas (Mayo 10) sa Lipa City Youth and Cultural Center. Haharapin ng Amigos ang Olongapo Volunteers sa alas-3 ng hapon na susundan ng engkuwentro sa pagitan naman ng Pampanga Stars kontra sa Batangas sa alas-6 ng gabi.

BACOLOD CITY

BATANGAS BLADES

CEBUANA LHUILLIER GEMS

CHRIS CLAY

COMMISSIONER JOAQUIN

DENNIS MADRID

DINO ALDEGUER

FIRST CONFERENCE

JOHN FERRIOLS

LIPA CITY YOUTH AND CULTURAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with