^

PSN Palaro

Cager napupuyat sa singer na gf

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Di raw malaman ng Fil-Am na ito kung bakit parang nalalaos na siya. Parang di na raw tulad ng dati ang pagtingin sa kanya ng mga fans at basketball lovers.

Parang hindi na raw kasing-init tulad nung isang taon.

Nagtataka raw siya kung bakit nagkakaganun.

Yan pa naman ang sakit niya mapanghatak ng atensiyon, sabi ng mga teammates niya.

Hindi pa man siya lubusang sumisikat, hayan, mukhang palubog na. At nararamdaman pa niya.

Akala pa naman niya eh super galing na siya. Pero ni hindi man lang niya nadala sa semifinals o kahit na sa quarterfinals ang kanyang team. Dahil sa isa nga ito sa mga unang na-out sa conference na ito.

Sayang naman ang ipinapa-suweldo sa kanya ng kanyang team.
* * *
Isang Fil-Am basketball player ang nai-cover ng isang pa-sosyal na magazine.

Akala nung editor, super hot na kasi itong si player.

Nung lumabas ang issue na yon kung saan nasa cover si Fil-Am na may ka-partner pang babae, aba, aba, naloka si editor at si publisher.

Walang bumibili ng magazine.

Ilang buwan na ang nakakalipas mula nung lumabas ang issue ng magazine na yon, at hanggang ngayon, nasa newstands pa rin siya at nanluluma na. Hindi akalain nung editor na lalangawin ang issue niya na yon to think na marami ang nagrekomenda sa kanya na ilagay sa cover ang naturang Fil-Am.

Laking lugi ng publisher sa issue na yun.
* * *
Isang singer naman ang labs na labs ng isang sikat na basketball player.

Kahit daw dis-oras ng gabi, nakabantay si player sa bar kung saan kumakanta ang naturang singer.

Wait to death siya kahit na madaling araw na dahil nga sa gusto niya, siya ang maghahatid kay singer.

Hindi namin alam kung type siya ni singer.

Ang pagpupuyat na ito ni player ang siyang pinakamalaking dahilan kung bakit bumaba ng husto ang laro niya.
* * *
Hulaan nyo, anong college basketball team kung saan ang halos lahat ng players eh may syotang bading ?

Nasa NCAA o sa UAAP ba ang team na ito ?
* * *
Nais lang naming batiin ng Happy birthday ang kaibigan nating si Boybits Victoria.

I am sure maligaya si Boybits ngayon dahil bukod sa maganda ang takbo ng kanyang career eh maganda rin naman ang takbo ng kanyang pamilya. May bago pa siyang bahay na matatawag niyang kanyang-kanya dahil talagang pinaghirapan niya itong ipagawa.

We’re happy for Boybits dahil kahit paano, sa tagal ng panahon, nandiyan pa rin ang kanyang career and that he’s happy with his team.

Masaya rin ang kanyang Boybits and Friends fans club sa pamumuno ni Dory Magno na matagal na rin namang sumusuporta sa kanya.

Sa May 9 ang birthday ni Boybits kaya sa ‘yo, kaibigan, maligayang kaarawan! At happy birthday na rin kay Mama Laura Hermosa na isa ring dakilang kaibigan!

vuukle comment

BOYBITS

BOYBITS AND FRIENDS

BOYBITS VICTORIA

CENTER

DORY MAGNO

FIL-AM

NIYA

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with