Fernandez nagbida para sa Volunteers
May 6, 2002 | 12:00am
LIPA CITY -- Sumandig ang Olongapo sa maiinit na kamay ni dating PBA player na si Henry Fernandez upang pabagsakin ang Pampanga, 106-89 kahapon at palakasin ang kanilang kampanya sa semifinals ng MBA First Conference sa Lipa Cultural Center dito.
Humakot si Fernandez ng 16 sa kanyang game-high na 27 puntos sa huling 14 minuto ng labanan nang pigilan ng Volunteers ang tangkang atake ng Star at iposte ang kanilang ikaanim na panalo sa walong laro at pahigpitin ang kanilang kapit sa solong liderato sa Northern Conference.
Pinadama rin ng Volunteers ang kanilang supremidad sa Stars nang kanila itong unang talunin, 94-75 sa kanilang unang paghaharap noong Abril 21.
Binalewala ng Volunteers ang dalawang ulit na tangkang pagbangon ng Stars nang makalapit lamang sa tatlong puntos, na ang huli ay sa 66-63.
Kumayod si Fernandez ng dalawa sa kanyang walong triples sa 8-1 bomba ng Volunteers upang ilayo ang Volunteers sa 74-63 sa huling bahagi ng third canto.
Tumulong sina Jeffrey Flowers at Allen Patrimonio kay Fernandez upang ipatikim sa Star ang kanilang ikawalong pagkatalo matapos ang siyam na asignatura nang makalayo sa 104-83, may 2:00 minuto na lamang ang nalalabi sa laro.
Kailangan na lamang ni coach Junel Baculi na maipanalo ang isa sa nalalabing dalawang laro para maokupahan ang unang semis berth.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended