Kutitap nanigas sa Ana Freezers

Napreserba ng Ana Freezers ang kanilang tagumpay matapos pag-pagin ang mahigpit na hamong ibinigay ng Kutitap Toothpaste tungo sa kanilang 74-68 panalo kagabi sa pagpapatuloy ng PBL Chairmans Cup sa Makati Coliseum kahapon.

Gumawa ng 3-of-4 freethrow shooting ang Freezer Kings mula kina Ronald Pascual at Ogie Gumatay sa huling 17 segundo ng labanan upang makalayo sa 71-68 pagkakalapit ng score.

Ito ang ikalimang panalo ng Ana sa walong pakikipaglaban para makatabla ang kanilang biktimang Teeth Sparklers na lumasap ng ikatlong pagkatalo laban sa kanilang 5 panalo.

Sa unang laro, naisukbit naman ng Montana Pawnshop ang kanilang ikalawang panalo sa walong pakikipaglaban nang kanilang pasubsu-bin ang wala pa ring suwerteng RP Burlington sa 83-50 panalo.

Show comments