^

PSN Palaro

Record breaking gold kay Bulauitan sa long jump

-
Tulad ng inaasahan, namayagpag si Lerma Bulauitan sa long jump event upang makopo ang gintong medalya na may kakaibang ningning sa ikalawang araw ng aksiyon sa Milo National Invitational Track and Field Open-Gov. Sering Cup kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.

Binura ng 27-anyos na si Bulauitan ang kanyang personal best na 6:43 metro at tinapatan nito ang gold medal jump ni Phan Thi Thu Lan ng Vietnam sa nakaraang Southeast Asian Games sa kanyang nilundag na 6.46 M sa ikaanim at huling talon nito.

Nagkasya lamang sa silver medal si Maristela Torres ng Occidental Mindoro sa kanyang nilundag na 6.40 metro habang napasakamay naman ni Nguyen Thi Mong Anh ng Vietnam ang bronze sa kanyang tinalong 6.15m.

Hindi naman nagpahuli sina John Lozada ng Philippine Navy at Ge-ralyn Amandoron na kumatawan ng La Union matapos magkamit ng gintong medalya mula sa men’s 800m run at women’s javelin throw, ayon sa pagkakasunod.

Tinapos ni Lozada ang 800m run sa oras na 1:50.08 habang inihagis naman ni Amandoran ang fiber glass sphere sa distansiyang 42.25m.

Sa iba pang resulta, naka-gold naman sina Julio Rose Forbes sa girls 100m hurdles at Rosel Espinas sa girls 800m run para sa apat na gintong nalikom ng koponan ng Occidental Mindoro.

Tinawid ni Forbes ang finish line sa tiyempong 15.15 segundo habang nagsumite naman si Espinas ng 2:19.62.

JOHN LOZADA

JULIO ROSE FORBES

LA UNION

LERMA BULAUITAN

MARISTELA TORRES

MILO NATIONAL INVITATIONAL TRACK AND FIELD OPEN-GOV

NGUYEN THI MONG ANH

OCCIDENTAL MINDORO

PHAN THI THU LAN

PHILIPPINE NAVY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with