^

PSN Palaro

Pinas hinirang na sentro ng fencing

-
Kinilala ng world governing body for fencing ang pagdomina ng Philippines sa nakaraang sixth Southeast Asian Championships at nagdesisyon na hirangin ang bansa bilang sentro ng fencing sa rehiyon.

Kinumpirma ni Rene Roch, president ng Federation Internationale D’Escrime (FIE), ang world governing body ng fencing ang nasabing titulo sa pamamagitan ni POC president Celso Dayrit na bukod sa siya ang puno ng POC, siya rin ang presidente ng Philippine Amateur Fencing Association (PAFA).

"It’s an honor," ani Dayrit. "Not everyday to we get such recognition from prestigious world sports bodies."

Nagdesisyon ang FIE na ibigay sa bansa ang nasabing titulo makaraan ang dalawang Filipino fencers ay magwagi ng 11 mula sa 12 medalyang gintong kung saan ang Indonesia ang siyang nanguna sa women’s epee at nakuntento lamang ang RP sa silvers sa sixth SEA Championships na ini-host ng Malaysia sa Kuala Lumpur. Ang 11 ginto ang siyang naging daan upang mapanatili ng RP ang korona sa nasabing biennial competitions.

Nagbulsa rin ang Philippines ng limang silvers at apat na bronze sa pagpapanatili ng kanilang overall crown.

CELSO DAYRIT

DAYRIT

FEDERATION INTERNATIONALE D

KINILALA

KINUMPIRMA

KUALA LUMPUR

NAGBULSA

PHILIPPINE AMATEUR FENCING ASSOCIATION

RENE ROCH

SOUTHEAST ASIAN CHAMPIONSHIPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with