^

PSN Palaro

Atienza, nakasiguro ng slot sa Busan Asian Games

-
Winasak ni Narcisa Atienza ang kanyang sariling Philippine record sa women’s high jump upang makasiguro ng slot sa athletics team na sasabak sa Asian Games sa pagbubukas ng 2002 Milo National Open-Gov. Jose Sering Cup International Invitational trackfest na nagbukas sa Rizal Memorial Track Oval kahapon.

Nagparamdam naman ang beteranong si Eduardo Buenavista sa men’s 3,000 steeple chase nang kanyang kunin ang gintong medalya sa pamamagitan ng kanyang tiyempong 8 minuto at 30.50 segundo. Ang performance na ito ni Buenavista ay malayo ng 10 segundo sa kanyang oras na naitala sa nakaraang Southeast Asian Asian Games kung saan nagsukbit ito ng dalawang gintong medalya.

Lumundag ang 23-gulang na si Atienza na kumatawan ng University of Santo Tomas ng 1.75M sa kanyang ikalawang pagtatangka upang higitan ang kanyang RP record na 1.74M na kanyang itinala sa Kuala Lumpur SEA Games noong nakaraang taon.

Pumukaw din ng pansin opening ng event na ito na suportado ng Philippine Sports Commission at Milo Nestle Phils. Si Sonny Diaz sa kanyang nakopong gold sa men’s 20,000M walk.

Nagsumite si Diaz ng oras na 1:42.30.9 upang talunin ang kanyang kasamahan sa Philippine Navy na si Harry Canillo at Michael Embuedo ng Phil. Airforce B na nagtala ng 1:42:41.5 at 1:47.39.1 ayon sa pagkakasunod.

AIRFORCE B

ASIAN GAMES

EDUARDO BUENAVISTA

HARRY CANILLO

JOSE SERING CUP INTERNATIONAL INVITATIONAL

KANYANG

KUALA LUMPUR

MICHAEL EMBUEDO

MILO NATIONAL OPEN-GOV

MILO NESTLE PHILS

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with