6th win puntirya ng ICTSI-DLSU
May 1, 2002 | 12:00am
Ikaanim na panalo ang puntirya ng ICTSI-La Salle na maghahatid sa kanila sa solong liderato sa kanilang nakatakdang pakikipagbang-gaan sa Montana Pawnshop sa pagbabalik ng aksiyon sa PBL Chairmans Cup sa Makati Coliseum.
Nakatakda ang engkuwentro ng Jewelers at Green Archers sa alas-4 ng hapon.
Pero inaasahang di magiging madali para sa ICTSI-La Salle ang pagsungkit ng inaasam na panalo dahil matindi ang hangarin ng Jewelers na umangat sa kanilang kinalalagyan kung saan nanga-nganib sila na isa sa mga koponan na maagang magbakasyon bunga ng kanilang 1-5 win-loss slate.
Samantala, ikatlong sunod na tagumpay naman ang sisiguraduhing maipinta ng Challenge Cup champion Shark Energy Drink sa kanilang pagtitipan ng bagitong John-O sa main game, dakong alas-6 ng gabi.
Tinatayang nasa panig ng Power Boosters ang mataas na morale bunga ng kanilang 86-65 tagumpay kontra sa Ana noong nakaraang Abr. 24 at ang huli ay sa sister team na Blu Detergent, 87-60 na siyang naging dahilan upang unti-unting magbalik na sa dating porma ang Power Booster.
Sa kaslaukuyan, nag-iingat ang Shark ng 2-4 kartada, habang naglista naman ang Juzzers ng 4-3 record.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended