Sison, umiskor ng upset sa Coca-Cola netfest
April 30, 2002 | 12:00am
SUBIC BAY, FREEPORT - Umiskor ang dating Davis Cupper Beeyong Sison ng 6-4, 6-1 upset na panalo kontra sa No. 15 Gilbert Estrada noong Linggo ng gabi upang makarating sa mens singles second round ng first Coca-Cola National Tennis Championships sa New Subic Bay International Tennis Center dito.
Humatak rin sina fourth seed Michael Mora III at fifth pick Rolando Ruel Jr., ng impresibong panalo na naghatid sa kanila sa second-round slots.
Pinayukod ni Mora, ang natatanging tenista ng bansa na nagbigay ng panalo sa Davis Cup tie kontra Kazakhstan noong nakaraang Pebrero si Macoy Gino, 6-0, 6-3 upang umusad kontra Arnel dela Cruz na pinagpawisan ng husto bago niya nagapi si Junjie Gudayo, 7-6 (4), 6-0.
Bumawi si Ruel mula sa kanyang unang set na pagkatalo upang patalsikin si Chemiel Mantua, 2-6, 6-3, 6-1 at itakda ang kanilang paghaharap ni UST coach Karl Santamaria na kumana ng 6-4, 6-0 panalo kontra Melvin Artates Sy.
Pawang nakakuha rin ng second round berths sina No. 7 Jesse Lapore, No. 9 Niño Salvador, No. 12 Luisito Clores at No. 16 Raymund Lopez sa Group 1 event na presinta ng Coca-Cola Bottlers Phils., at sponsored ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) chairman Felicito Payumo, Prince, Wilson at ng PLDT.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended