Cortez, nagpasiklab, DLSU nalo

Nagpasiklab ang Fil-Am na si Mike Cortez upang ihatid ang ICTSI- La Salle sa 82-75 panalo kontra sa Kutitap Toothpaste at makatabla sa kanilang biktima sa pagpapatuloy ng eliminations ng PBA Chairman’s Cup na ginanap sa Pasig Sports Center kahapon.

Humataw ang 5’11 point guard na si Cortez ng 33-puntos bukod pa sa kanyang limang rebounds at anim na assists para sa ikalimang panalo ng La Salle sa pitong pakikipaglaban.

Show comments