Peña, gumanap ng mahalagang papel sa Beerman
April 30, 2002 | 12:00am
Mahalagang papel ang ginampanan ni Dorian Peña sa dalawang krusiyal na quarterfinal matches ng San Miguel Beer upang makapasok sa semifinal round ng Samsung-PBA Governors Cup laban sa top seed na Talk N Text Phone Pals.
At ito ang nagkaloob sa kanya ng kanyang unang Samsung Player of the Week citation mula sa PBA press corps na binubuo ng mga sportswriters na regular na kumukober ng mga laro para sa linggong April 22-28.
Kumayod si Peña ng 18-puntos sa 79-70 panalo ng Beermen kontra sa Phone Pals upang ipuwersa ang sudden-death match at umiskor naman ito ng mahahalagang anim na puntos tampok ang kanyang slam dunk sa 81-70 pamamayani upang tuluyan nang madiskaril ang Talk N Text.
Higit sa lahat, ipinakita ni Peña ang kanyang pagka-epektibo sa depensa na nagbigay sa kanya ng siguradong puwesto sa San Miguel roster sa mga susunod na taon.
"Dorian is really giving us a big defensive lift. I have to commend him for really helping minimize Jerald Honey-cutts effectivity," ani interim San Miguel coach Siot Tanquincen.
Si Peña ang pangunahing sandata laban kay Honeycutt, ang import na naging problema ng kanilang mga nakalaban.
"We knew that we needed to put a body on him and thats what we did. Dorian made a big sacrifice banging against Honeycutt," dagdag ni Tanquincen.
Dahil sa mahigpit na depensa ni Peña, napagod si Honneycutt na nalimitahan sa isang basket lamang sa ikatlong quarter matapos umiskor ng 20 sa first half ng sudden-death match.
Umiskor ito ng siyam na puntos sa ikaapat na yugto ngunit sinuwerte lamang ito sa kanyang pitong puntos.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended