Buhain at PSC commissioners nagkaisa
April 30, 2002 | 12:00am
Kinumpirma ni Philippine Sports Commission Chairman Eric Buhain na nagkaisa ang Board members na patalsikin ang nag-iisang Lady Commissioner na si Cynthia Carrion.
Inamin ni Buhain na to-toong lumiham ito kasama ang tatlo pang commissioner ng PSC na sina Butch Ramirez, Leon Montemeyor at dating commissioner na si Richard Garcia sa Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na palitan si Carrion, isang malapit na kaibigan ni GMA.
Ang dahilan ng isinagawang hakbang na ito ng Board na sinuportahan ni dating PSC commissioner at ngayon ay Bacolod representative nang si Monico Puentevella, ay bunga ng patuloy na pagkupkop ni Carrion kay Agnes Cruz.
"Its a matter of injecting team work into the board and to ensure the continuity of PSCs objectives, we would like the board to be united and be clease of whatever negatives," pahayag ni Buhain sa press conference kahapon kung saan inim-bitahan si Carrion ngunit di ito sumipot.
Si Cruz ay hindi na itinuturing na empleyado ng PSC matapos itong tanggalin sa panunungkulan bunga ng kanyang unliquidated accounts sa PSC ngunit hindi ito binibitiwan ni Carrion bilang kanyang executive assistant na siyang pumipirma ng mga mahahalagang dokumento para sa Lady Commissioner.
"We have elevated our letter to the president because we thought that she is the only one who could help us," ani Buhain. "Agnes Cruz has been signing sensitive documents and has been disbursing money for and in behalf of Commissioner Carrion which should not be the case."
Si Cruz ay may P485 thousand na unliquidated accounts na nakuha nito sa PSC tatlong taon na ang nakakaraan at base sa Board resolution na 284-99, hindi maaaring maging empleyado ng PSC ang isang taong may unliquidated accounts.
Hindi agad na-liquidate ni Cruz ang naturang halaga dahil wala na sa kanya ang mga dokumento ngumit makalipas ang tatlong taon ay nakapag-liquidate ito ngunit hindi pa nilalagdaan sa accounting department ng PSC ang journal voucher.
Now we are appealing to our mother, President Arroyo, to heed our request." (Ulat ni Carmela V Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest