^

PSN Palaro

Nawalan ng ingay ang Thunder!

FREE THROWS - AC Zaldivar -
Hindi siguro si Joseph Bunn ang naging problema ng Batang Red Bull na nabigong makarating sa semifinals ng Samsung-PBA Governors Cup matapos na matalo sa Purefoods Tender Juicy Hotdogs, 82-77 sa quarterfinals noong Sabado.

Ngayong nagbabakasyon na angThunder, marahil ay naiisip nilang nagkamali sila sa pagpapabalik kay Antonio Lang bilang kahalili ng kanilang unang import na si Julius Nwosu.

Oo’t magaling si Lang at may pruweba na ito dahil naihatid nga niya ang Thunder sa kanilang kauna-unahang kampeonato noong isang taon nang mapanalunan nila ang 2001 Commissioners Cup kung saan itinanghal pa siya bilang Best Import.

Kung ikaw ay bahagi ng coaching staff ng Red Bull at available si Lang, natural na gugustuhin mong kunin ito. Kung ikaw ay bahagi ng management ng Red Bull, ganoon din ang iisipin mo. Kasi nga, baka magtuluy-tuloy ang suwerte ng iyong koponan.

Ang siste’y pareho lang ng puwesto sina Lang at Bunn. Duplication of roles ang nangyari. Hindi na-maximize ang kani-kanilang talents dahil parang nagsapawan lang sila.

Kung mayroong dapat na palitan ang Red Bull noon upang ma-accomodate si Lang, iyon ay si Bunn!

Pero paano naman papalitan ng Red Bull si Bunn noon gayung matindi ang mga numerong itinala nito. Si Bunn ang siyang nagmistulang go-to guy ng Thunder. Siya ang pumupuntos nang husto at nakukuntento na lamang si Nwosu sa pagsuporta sa kanya. Si Nwosu ang siyang kumukuha ng rebounds at dumedepensa sa shaded area upang ibahin ang tira ng kalaban.

Maganda ang chemistry ng dalawang ito, eh. Okay lang kay Nwosu ang kanyang role na taga-suporta lang kay Bunn. Tutal nga naman, ang objective nila ay magwagi ang kanilang koponan.

Problema’y nagtamo nga ng back injury si Nwosu at kinailangang palitan siya. Naging available si Lang kung kaya’t dumating siya.

Kung hindi naging available si Lang, magiging objective ang Red Bull sa pamimili ng import na hahalili kay Nwosu. Natural na ang kukunin ng Red Bull ay isang tulad ni Nwosu na nagsasakripisyo din. Isang import na malaki at pakikinabangan sa shaded area dahil wala naman sa poder ng Red Bull ang mga tulad nina Davonn Harp at Mick Pennisi.

Pero dahil available si Lang at okay ang kanyang credentials, siya ang kinuha ng Red Bull bilang kapalit ni Bunn. Hayun at nagkasunud-sunod ang pagkatalo ng Thunder!

Sa anim na laro kung saan kasama nila si Lang ay minsan lang nakatikim ng panalo ang Batang Red Bull at ito’y isang 83-77 tagumpay laban sa Purefoods sa pagtatapos ng elimination round. Sa tutoo lang, hindi nga kailangan ng Purefoods na manalo sa game na iyon at ipinahinga na lamang ni coach Paul Ryan Gregorio ang injured na si Leonard White na sa dakong huli’y pinalitan ni Kelvin Price.

Bago ang quarterfinal game sa pagitan ng Hotdogs at Thunder ay pinalitan din ng Red Bull si Bunn at kinuha si Sean Lampley. Wala ring nangyari sa pagpapalit na ito dahil natalo nga ang Thunder sa Hotdogs at maagang nagbakasyon.

Ano kaya kung imbes na si Bunn ay si Lang ang pinalitan ni Lampley?

Parang nagkahiyaan lang kay Lang, eh!

ANTONIO LANG

BATANG RED BULL

BEST IMPORT

BULL

BUNN

KUNG

LANG

NWOSU

RED

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with