^

PSN Palaro

Cagayan de Oro pinigil ng Batangas

-
Sinupil ng Batangas Blades ang inilatag na malaking rally ng Casino Cagayan de Oro sa huling maiinit na bahagi ng sagupaan upang itakas ang 80-77 panalo noong Sabado ng gabi at palakasin ang kanilang kampanya para sa semifinals ng MBA First Conference sa Mindanao Polytechnic Gym.

Ilang ulit na umabante ang Blades ng 22 puntos (57-35) sa kaagahan ng third canto upang ipadama sa Amigos ang kanilang matinding determinasyon.

Nagpakitang gilas sina Jeffrey Sanders at Ralph Rivera nang kanilang trangkuhan ang Blades sa ikatlong sunod na panalo matapos na mabigo ng dalawang ulit sa limang asignatura.

Tumapos si Sanders ng game-high 27 puntos, bukod pa ang dalawang steals, habang nagdagdag naman si Rivera ng 19 puntos para sa kasalukuyang national titlists.

Hindi pa rin naasahan ng Blades ang serbisyo ni Alex Compton na kasalukuyang nasa Amerika para bantayan ang kanyang amang may sakit kung kaya’t muling kumamada si Eddie Laure upang tabunan ang pagkawala ni Compton.

Bagamat tumapyas lamang si Laure ng 8-puntos, bumawi naman siya sa rebounds ng humatak ng 15, bukod pa ang tatlong assists at isang supalpal.

Nauna rito, pinabagsak ng The Professional Davao ang RCPI Negros, 87-77 upang pagandahin ang kanilang kartada sa 4-3, habang ginapi naman ng Cebuana Lhuillier ang Pampanga, 109-99 sa CEU Centrodome sa Malolos City.

ALEX COMPTON

BATANGAS BLADES

CASINO CAGAYAN

CEBUANA LHUILLIER

EDDIE LAURE

FIRST CONFERENCE

JEFFREY SANDERS

MALOLOS CITY

MINDANAO POLYTECHNIC GYM

PROFESSIONAL DAVAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with