^

PSN Palaro

Golds hinakot ng RP fencers

-
Determinado ang Philippine fencing team na mamintina ang kani-lang dominasyon sa Southeast Asia sa pagwalis ng lahat ng medal-yang ginto sa unang dalawang araw na kompetisyon sa Kuala Lum-pur, Malaysia ng Southeast Asian Fencing Federation Championships.

Tinalo ni Emerson Segui ang teammate na si Rolando Canlas, 15-10 sa finals ng Men’s Individual Foil, habang ginapi ni Lenita Reyes ang Indonesian Paulany Ratu, 15-9 upang isukbit ang gold sa distaff side. Nakuntento naman sina SEA Games silver medalist Lorena Ann Sandiego sa bronze.

Hindi nakaabala sa Philippine team ang malakas na buhos ng ulan at higit pang tumaas ang kanilang morale sa ikalawang araw ng kompetisyon.

Nagpamalas ang SEA Games veteran na si Loree Bauzon ng husay sa kabila ng pressure nang kanyang talunin ang teammate na si Melly Angeles, 8-6 sa women’s individual Epee, habang namayani naman si Avelino Victorino kay SEA Games gold medalist Triagi Perdian ng Indonesia sa lop sided match, 15-3 sa men’s side.

AVELINO VICTORINO

EMERSON SEGUI

INDIVIDUAL FOIL

INDONESIAN PAULANY RATU

KUALA LUM

LENITA REYES

LOREE BAUZON

LORENA ANN SANDIEGO

MELLY ANGELES

ROLANDO CANLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with