Pampanga Stars duguan sa Batangas Blades
April 25, 2002 | 12:00am
Nakaungos ang defending national champion LBC Batangas Blades sa mahigpit na hamon ng Pampanga Stars, 78-77 noong Martes ng gabi at muling makabalik sa kontensiyon para sa MBA First Conference sa CEU Centrodome sa Malolos City.
Ipinako ni Tonyboy Espinosa ang isang triple at umiskor ng drive si Eddie Laure sa huling 44 segundo nang kumpletuhin ng Blades ang kanilang pagbabalik mula sa pagkakabaon ng hanggang 11 puntos sa ikatlong quarter.
Matapos ibigay ni Laure ang kalamangan sa Blades may 26.6 segun-do ang nalalabi, sumablay ang tatlong pagtatangka ng Stars bago nakuha ni Jeffrey Sanders ang defensive rebounds at iselyo ang ikalawang dikit na panalo ng Batangas matapos na mabigo ang unang dalawang laro.
Humakot si Sanders ng 24 puntos, habang nagtarak naman si Laure ng 13puntos.
Bumagsak ang Stars sa ilalim ng standings sanhi ng kanilang 1-5 win-loss slate at katabla ang Casino Cagayan de Oro Amigos.
Samantala, magdaraos ang MBA blazes ng apat na laro sa dalawang lugar sa Sabado.
Tampok ang laro sa Mindanao Polytechnic Gym sa alas-3 ng hapon ang sagupaan sa pagitan ng RCPI Negros Slashers at Professional Davao Eagles na susundan ng pagtitipan ng Batangas at Casino Cagayan de Oro Amigos sa alas-6 ng gabi.
Maghaharap naman sa CEU Centrodome ang Osaka Pangasinan Waves at Olongapo Volunteers sa ala-1 ng hapon na susundan ng sagupaan sa pagitan ng Cebuana Lhuillier at Pampanga sa alas-3:30.
Kaugnay nito, tangka ng Slashers ang solong liderato sa kanilang paghaharap ng CDO sa alas-6 ng gabi.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 26, 2024 - 12:00am