^

PSN Palaro

Short cut o long cut!

-
Short cut o long cut?

Ito ang pagpipiliang daan ng Alaska Aces sa kanilang pagtahak ng landas patungo sa semifinal round ng Samsung-PBA Governors Cup.

Short cut kung magagawa nilang dispatsahin ngayon ang FedEx at long cut kung makakahirit ng sudden death match ang Express.

Magkukrus ngayon ng landas ang Aces at Express sa kanilang quarterfinal match up sa pagpapatuloy ng quarterfinal phase sa Phil-Sports Arena sa Pasig ngayong alas-6 ng gabi.

Unang makakapasok sa best-of-five semifinal round ang Alaska kung maigsing daan ang kanilang babaybayin ngunit kung mahabang daan ang kanilang kalalagpakan kung magtatagumpay naman ang FedEx.

Dahil nagtapos ang Aces na kasama sa top four, nabiyayaan ito ng bentaheng twice-to-beat tulad ng Talk ‘N Text, Purefoods at Coca-Cola Tigers na nangangahulugang isang panalo lamang ang kanilang kailangan para makasulong sa susunod na round habang dalawang panalo naman ang kailangan ng kanilang kalaban.

Ang mananalo sa match-up na ito ang siyang haharap sa maka-kalusot sa pagitan ng Phone Pals at Beermen na muling magtutuos sa Linggo matapos maipuwersa ng San Miguel ang sudden death bunga ng kanilang 79-70 panalo kamakalawa.

Nakubra ng Aces ang huling slot sa top four makaraang agawin ito sa San Miguel sa pamamagitan ng 76-58 panalo sa pagsasara ng eliminations noong Linggo sa Araneta Coliseum.

Nagtapos ang Alaska na may 6-5 record ka-tabla ang FedEx at Batang Red Bull ngunit napasakanilang kamay ang huling twice-to-beat ticket dahil sa kanilang mataas na qoutient laban sa dalawa.

Ang iba pang quarterfinal match na paglalabanan sa Sabado ay ang TJ Hotdogs laban sa Thunder at Coca-Cola laban sa defending champion Sta. Lucia Realty kung saan ang mga mananalo ay siyang magtutuos sa isa pang semis series.

Sa pagtutuos ng Express at Aces sa eliminations, namayagpag ang FedEx sa kanilang 83-69 tagumpay ngunit ibang import pa ang kasama noon ng Alaska.

Kasama pa ng Aces noon si Muntrell Dobbins na pinalitan ng mas epektibong si James Head na siyang katulong ni Ron Riley ngunit tatapatan ito nina Jermaine Walker at Tim Moore upang iahon ang FedEx.

Nagkaroon sana ng twice-to-beat advantage ang Express ngunit sila ay pinagkaitan ng Talk ‘N Text bunga ng kanilang 90-101 kabiguan sa kanilang huling asignatura sa elimination. (Ulat ni CVOchoa)

ALASKA ACES

ARANETA COLISEUM

BATANG RED BULL

COCA-COLA TIGERS

GOVERNORS CUP

JAMES HEAD

JERMAINE WALKER

KANILANG

N TEXT

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with