^

PSN Palaro

Balitang NCAA!

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Ang dating player ng Ginebra San Miguel na si Mukesh "Mike" Advani ang siya ngayong assistant coach ng San Beda College Red Lions para sa NCAA.

Si Mike ay isa sa mga pinagkakatiwalaang pointguards noon ni coach Robert Jaworski sa Ginebra team.

Natatandaan ko na humawak din siya ng isang team ng mga Bumbay a few years ago.

Mabuti naman at kinuha siya ng San Beda para sa coaching staff. Matagal na rin namang hindi nagtsa-champion ang San Beda College sa NCAA.

Lucky charm na kaya ng San Beda si Mike Advani?
* * *
Si Louie Alas naman ang nasa Letran.

Nung iwanan ni Louie ang Letran the last time around, campion siya. Panahon pa yun nina Christian Calaguio, Erwin Velez at Kerby Raymundo.

Last year, medyo palpak ang performance ng Knights sa NC dahil hindi man lang sila nakasama sa Final Four.

Ngayon, tingnan natin kung muling hahataw ang Letran dahil nandyan nang muli si Louie.
* * *
Ang MIT Cardinals ay hawak naman ni Horacio Lim for the second straight year.

Last year, third placers ang mga bata ni Horacio at muntik pang nakapasok sa finals.

Ngayon, umaasa si Horacio na makakarating na siya sa finals.

May mga bagong player si Horacio na mukhang magagaling---ang Fil-Am na si Yogi Veranga, Andrew Salud, Tano Cruz na dating taga-St, Francis of Assisi at si Gilbert Migraso, ang pride ng Cebu.

Mas tumangkad at bumilis ang team ngayon ni Horacio kaya marami ang nagsasabing malakas ang kanyang line-up para sa 2002 season.

Halos wala ring nawala sa team ng College of St. Benilde.

Si Jon Dan Salvador ay nasa MBA na kaya di na natin siya makikita sa NCAA.

Pero maraming malalaking sentro na pamalit ang CSB kaya tiyak na title contender pa rin sila this year.
* * *
Si coach Boy de Vera ng JRC ang may pinakamalaking problema.

Wala na ang kanyang mga key players.

Nagsipagtapos na ng kanilang five palying years at yung iba eh nasa MBA na rin.

Pero sabi ni Boy, kahit hindi masyadong malakas ang line-up niya eh palaban pa rin ang binuo niyang team.

Hindi kaya kung kailan mahina ang team niya ay tsaka siya mag-champion?

Ngayong wala ng superstars sa team niya, baka naman mas malakas na dahil wala nang mga señorito sa Jose Rizal Heavy Bombers?
* * *
Ang SSC Stags ang sinasabing pinakamalakas pa rin.

Kaya nga lang, wala na si Mark Macapagal at maraming nagsasabing napakalaking bagay ni Mark para sa Stags.

Titingnan natin kung ano ang magagawa ni coach Turing Valenzona sa Stags ngayong season na ito kahit wala na sa kanya si Macapagal.
* * *
Sa June 29 na raw ang opening ng NCAA at ito’y gaganapin sa Araneta Coliseum.

Pinaghahandaan na rin ito ng ABS-CBN na siyang may hawak ngayon ng TV coverage.

Pati mga players ay naghahanda na ring magpa-pogi dahil tiyak na mapapanood lahat ng games ngayon sa Studio 23. Tiyak na mas maraming makakakita sa kanila sa TV.

Pero tutoo ba--hindi puwede ang Araneta Coliseum sa June 29 dahil under renovation na ito by that time?
* * *
Happy birthday kay Mr. Bert Lina, team owner ng Federal Express team!

ANDREW SALUD

ARANETA COLISEUM

CENTER

HORACIO

LETRAN

PERO

SAN BEDA

TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with