San Miguel Beer humirit pa
April 24, 2002 | 12:00am
Hinatak ng San Miguel Beer ang sudden-death playoff match laban sa Talk N Text matapos ang 79-70 panalo sa pagbubukas ng quarterfinal phase kagabi sa Cuneta Astrodome.
Naging epektibo sina import Lamont Strothers at Dorian Peña sa ikalawang bahagi ng labanan para sa tagumpay ng Beermen na nagbigay sa kanila ng karapatang muling harapin ang Phone Pals sa Linggo para matukoy kung sino ang uusad sa semifinal phase.
Tumapos si Strothers ng 22 puntos, 10 rebounds at 5 assists habang nag-ambag naman ng 14-puntos at 10 rebounds si Peña para sa Beermen na nangangailangan pa ng isang panalo kontra sa Talk N Text na may angking twice-to-beat advantage upang makausad sa susunod na round.
Ang mananalo sa quarterfinal matchup na ito ay haharap naman sa magtatagumpay sa pagitan ng FedEx Express at Alaska na magtutuos bukas, para sa best-of-five semifinal series.
"We had to stepped up on our defense because Talk N Text is one of the best offensive team today," pahayag ni coach Siot Tanquincen ng tropang Beermen, na nagpakalbo sa kanilang nakaraang pagkatalo sa Alaska sa pagtatapos ng eliminations noong Linggo, na siyang dahi-lan ng kanilang kabiguang makapasok sa Top Four na may twice-to-beat advantage.
Kumawala ang San Miguel sa ikatlong quarter sa pamamagitan ng 15-5 run upang iselyo ang naturang yugto na taglay ang 62-52 pangunguna na kanilang pinangalagaan sa ikaapat na quarter sa pamamagitan ng kanilang mahigpit na depensa.
Umiskor si Strothers ng 10 puntos sa 4th quarter upang panguna-han ang opensa ng Beermen habang pinamunuan naman ni Peña ang depensa upang pangalagaan ang depensa.
Nakabangon ang Talk N Text mula sa 6 puntos na pagkakahuli nang kanilang buksan ang second quarter sa 13-2 run upang agawin ang kalamangan at iposte ang 32-29 benta-he.
Dito nagsimula ang see-saw battle hanggag tapusin ng Phone Pals ang firsat half na taglay ang 40-39 kalamangan mula sa buzzer-beating put back ni Telan.
Kontrolado ng San Miguel ang unang quarter na kanilang tinapos sa 27-19 bentahe.(Ulat ni Carmela Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest