Subalit, ang lahat ng ito ay binalewala ng Slashers sa pangunguna ng beteranong si Jose Francisco na sa kabila ng kanilang homecourt advantage at hometown crowd, nagawa pa rin supilin ng Negros ang Gems sa kanilang pananalasa.
Umiskor ang 6-foot-3 shooting forward ng 25 team-high points, 18 nito ay mula sa 3-points range upang pamunuan ang Slashers sa kanilang ikaapat na panalo sa limang laro at kanilang ipinalasap sa Gems ang kanilang unang kabiguan sa apat na laro.
Umiskor rin ang dating FEU Tamaraw ng tatlong krusiyal na free throws sa huling maiinit na segundo ng labanan upang biguin ang tangkang pagbangon ng Gems.
Ang ipinamalas na husay ng 32-anyos na ipinagmamalaki ng Malolos, Bulacan ay sapat na para siya ay hirangin ng MBA Press Corps na tanghaling Hard Court Hero para sa buwan ng Abril 16-21.
Napagwagian ni Francisco ang nasabing karangalan na lingguhang iginagawad ng Press Corps kontra sa mga kalaban na sina Jeffrey Flowers at Johnedel Cardel ng Olongapo Volunteers, Peter June Simon ng Professional Davao Eagles, Ato Agustin ng Pampanga Stars, Peter Naron ng Cagayan de Oro Amigos at Eddie Laure ng Batangas Blades.