Tanging si Talk N Text coach Bill Bayno lamang ang hindi nagtaka na makuha ni Evans ang naturang award matapos itong magbigay ng malaking kontribusyon sa kanilang 101-90 panalo kontra sa FedEx noong Sabado.
"I really believe in Kenny Evans. He really accepted my challenge to play hard," ani Bayno.
Tumapos si Evans ng 22-puntos sa huling panalo ng Phone Pals na kinapalooban ng kanyang 9-of-11 shooting mula sa field upang hindi maramdaman ng Talk N Text ang pagkawala ni Gilbert Demape.
Nagtamo ng injury sa likod si Demape sa ikalawang quarter at di na nakabalik sa laro matapos itong isugod sa ospital ngunit pinunan ni Evans ang pagkawala ni Demape matapos itong humataw sa second half.
Dahil sa kabayanihan ni Evans na siyang nagbigay ng lakas sa Talk N Text ay hindi naramdaman ng Phone Pals ang pagkawala ni Demape.
Nagtapos ang Phone Pals na may 9-2 record sa elimination ng Samsung-PBA Governors Cup at may bentaheng twice-to-beat laban sa San Miguel sa pagsisimula ng quarterfinal phase ngayon sa Cuneta Astrodome.
Sa katunayan, ito ang ikalawang pagkaka-taong naging contender si Evans para sa naturang citation na ibinibi-gay ng mga reporter na regular na nagko-cover ng mga laro sa PBA.
Si Evans ay galing sa Alaska ngunit mas madalas ito sa bench noong nakaraang taon bago ito nabigyan ng break sa kampo ng Phone Pals.