Nilagdaan kahapon nina International Pharmaceutical Inc. (IPI) advertising and marketing manager Dennis Wong, MBA business and marketing director Ramon Tuason at Cagayan de Oro team manager Ronnie "Bong" Natividad at general manager Agustin Cloribel sa Cafe Tartanilla sa Cebu Plaza Hotel upang ipormalisa ang pag-entra ng Casino sa pamilya ng MBA.
Ang IPI ang ikaapat na Cebu-based company na nagbigay ng kanilang suporta sa MBA ngayong season--ang una ay ang Aldeguer family na nagmamay-ari ng USA Sports ang opisyal na kasuotan ng MBA ng Southern teams, Osaka Iridology ang corporate backer ng Pangasinan Waves at Natures Spring Drinking Water ang siyang opisyal na inumin ng liga.
"We believe that through MBA we will get a better mileage for Casino Ethyl Alcohol. The package deal that MBA have sent us is cheaper and more appetizing and the naming rights is an additional bonus to us," pahayag ni Wong.
Ang IPI rin ang siyang tagagawa ng Bioderm Germicidal Soap, Omega Pain Killer, Lecit E at Power Plus Energy Drink.
Kasalukuyan nang inaayos ni Tuason ang AMA Computer College upang maging sponsor ng Pampanga Stars at Gilbeys Gin para supor-tahan naman ang Olongapo Volunteers.