^

PSN Palaro

Batang Pinoy iho-host ng Cebu

-
Dahil sa mga pasilidad na naitayo na sa Cebu, nagpahayag kahapon si Cebu City Sports Commission chairman Jonathan Guardo ng kumpiyansa na magtatagumpay sila para ma-accommodate ang Batang Pinoy, isang national multi-event competition para sa 12 years old and under.

Kamakailan, isinumite na ni Guardo sa opisina ni Philippine Sports Commission chairman Eric Buhain ang bidding ng Cebu City para maging punong abala sa nasabing event na gaganapin sa Disyembre ngayong gabi.

"By hosting big competitions, our people are constantly exposed to sports so that they may continue using our facilities and prevent them from becoming white elephants," pahayag ni Guardo na sinuportahan naman ni councilor Jack Jakosalem, chairman ng city council’s committee on youth and sports.

Sa katunayan, unang inalok sa Cebu ang pagho-host ng Batang Pinoy noong nakaraang taon, ngunit nagdesisyon si Guardo na magbigay daan para sa Bacolod dahil sa iba pang natanguang commitments.

Nagpadala ang Cebu City ng pinakamalaking bilang ng delegasyon na tumapos ng ika-anim na puwesto sa overall noong nakaraang taong edisyon ng Batang Pinoy.

Nakatakdang ilunsad ni Guardo ang isang proyekto na "Team Cebu City," isang pool ng mga atleta na kanilang tatalakayin para siyang magdala ng karangalan sa siyudad sa regional, national at international competitions. At mas nakatuon ang kanilang atensi-yon sa events kung saan kilala ang mga Cebuana na magtatagumpay gaya ng boxing, athletics, dancesports, gymnastics at taekwondo.

Kabilang sa mga events na ginanap na sa Cebu City ay ang 1994 Palarong Pambansa, 1997 Philippine National Youth Games at ang 1996 Atlanta Olympic boxing qualifying tourney.

ATLANTA OLYMPIC

BATANG PINOY

CEBU

CEBU CITY

CEBU CITY SPORTS COMMISSION

ERIC BUHAIN

JACK JAKOSALEM

JONATHAN GUARDO

PALARONG PAMBANSA

PHILIPPINE NATIONAL YOUTH GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with