Ika-4 panalo nais ng John-O Juzz, DLSU

Kapwa sisikapin ng bagitong John-O Juzz at ICTSI-La Salle na maka-mit ang kanilang ikaapat na panalo na maglalagay sa kanila sa liderato sa magkahiwalay na laban sa pagbabalik ng aksiyon ng PBL Chairman’s Cup sa Makati Coliseum.

Titipanin ng John-O Juzz ang Montana Pawnshop sa alas-6 ng gabi, habang magsasagupa naman ang ICTSI-La Salle at ang Shark Energy Drink sa alas-4 ng hapon.

Naging crowd favorite ang Juzzers sa liga matapos magpamalas ng impresibong tagumpay sa kanilang nakaraang apat na laro na ang huli ay sa pagposte ng 71-69 panalo laban sa Shark.

Muling sasandal si coach Manny Dandan sa mga balikat nina Jeff Napa, Rysal Castro, Ranidel de Ocampo, Jerome Barbosa, Archen Cayabyab at Bong Salvador upang tapatan ang inaasahang hamon na ilalabas ng Montana na impresibo pa sa 76-71 panalo kontra naman sa ICTSI-La Salle.

"Montana is equally deadly. You won’t know when they’ll blow that so we have to take every precaution against them," wika ni Dandan.

Siguradong naka-pokus ang game plan ni coach Turo Valenzona kina Mark Macapagal, Jam Alfad, Jayman Miso-la, Gary David at Jenkins Mesina upang supilin naman ang pananalasa ng Juzzers.

Show comments