^

PSN Palaro

Titulo ididepensa ng Foundation University

-
Mainit na maipagpapatuloy ng Foundation University ang kanilang kampanyang mapanatili ang titulo sa 6th Nestea Beach Volley University Championships makaraang maipanalo ang kanilang elimination match.

Inilista ng malakas na tambalan nina Kent Bulabon at Isidro Bong-casan ng defending champion Foundation U men’s team ang 21-13 tagumpay kontra sa Iloilo Doctor’s College para muling bumalik sa Boracay para sa National finals sa Mayo 11-12.

Ito ay sinundan din ng kanilang kababaihan makaraang ilista ng parehas nina Cherie Mae Boladola at Rolyn Marquicias 21-14 pananalasa kontra sa University of St. La Salle.

Umakyat din sa National Finals ang Pampanga Agricultural College makaraang igupo ang UP-Los Baños, 21-15 at DLSU-Dasmariñas na namayani laban sa LCBA, 21-15 para sa Luzon qualifiers ng men’s division at nagwagi naman ang Baguio College Foundation kontra sa Pangasinan State U, 21-9 at DLSU-D laban sa PCU-Dasmariñas 21-19 para sa kababaihan.

Sa Visayas-Mindanao division, makakasama ng Foundation U ang Southwestern University na namayani sa University of San Carlos, 21-16.

Makakasama naman ng Foundation U ang University of San Jose Recoletos na nanaig sa Mindanao State U, 21-19.

Makakasama din nila ang 8 qualifiers ng Metro Manila eliminations.

BAGUIO COLLEGE FOUNDATION

CHERIE MAE BOLADOLA

DASMARI

FOUNDATION U

FOUNDATION UNIVERSITY

ILOILO DOCTOR

ISIDRO BONG

KENT BULABON

LOS BA

MAKAKASAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with