Krusiyal na panalo asam ng SMB
April 16, 2002 | 12:00am
Maari nang makumpleto ngayon ang cast ng quarterfinal kung magtatagumpay ngayon ang San Miguel Beer sa nag-iisang laro ng Samsung-PBA Governors Cup sa PhilSports Arena.
Sa tagumpay din ng Beermen, masisimulan na ni National coach Jong Uichico na mag-isip kung sino ang bubuo ng Pambansang koponan na isasabak sa Asian Games sa September sa Busan, South Korea.
Tanging ang RP-Team Hapee, isa sa dalawang koponang nagtra-tryout para sa National team, ang natitirang may pag-asa sa eigtht-team quarterfinals.
Sa pamamagitan ng panalo ng Beermen na may 4-5 record, sasamahan nito sa susunod na round ang Batang Red Bull (5-5), defending champion Sta. Lucia Realty (5-5), Alaska Aces (5-5), FedEx Express (6-4) at ang Purefoods TJ Hotdogs (8-2), Talk N Text (8-2) at Coca-Cola Tigers (8-3) na pawang mga nakakasiguro na ng twice-to-beat ticket na ipagkakaloob sa top four teams.
Talsik na sa konten-siyon ang RP Team-Selecta gayundin ang Ba-rangay Ginebra at Shell Velocity at kung mabibigo ang RP-Hapee, makakapili na si Uichico mula sa 15-18 players na nagtra-tryout para sa RP basketball team.
Ngunit kung magtatagumpay naman ang RP-Hapee ay magkakaroon ito ng tsansang makapasok sa quarterfinals dahil sa kanilang makukubrang play-off ticket.
Importanteng ipanalo ng SMBeer ang larong ito upang di na maobliga pang mamayani sa kanilang huling asignatura laban sa Alaska sa Linggo at di na dumaan pa sa playoff.
May kahirapan ito ngayon dahil di maasahan ng Beermen si import Lamont Strothers na suspendido ng isang laro bukod pa sa napagmulta ng P50,000 kasama si Mario Bennett dahil sa kanilang pagwawala sa kanilang pagkatalo kontra sa Sta. Lucia.
Kung makukumpleto ng Beermen ang quarterfinals cast, placings na lamang ang paglalabanan sa mga huling larong natitira ng eliminations para sa quarterfinals phase kung saan ang No. 1 ay haharap sa No. 8, No. 2 laban sa No.7, No. 3 versus No. 6 at No. 4 laban sa No. 5.
Isang twice-to-beat ticket na lamang ang natitira at ang FedEx ang pinakamalapit dito, kailangan na lamang nilang ipanalo ang laban kontra sa Phone Pals upang isang panalo na lamang ang kanilang kailangan para makapasok semifinal round habang dalawang panalo naman ang kailangan ng No. 4-8 teams.
Nauna nang sinabi ni Uichico na sa oras na masibak sa kontensiyon ang dalawang Candidates pool, papangalanan nito ang huling 18-players na may pag-asa sa 12-slots sa National team.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended