^

PSN Palaro

Maningning na gold kumawala sa kamay ng Pinoy pugs

-
KAUNAS, Lithuania-Sa kabila ng maningning na performance na ipinakita ng Team Philippines na maging ang mga judges at hometown fans ay humanga, hindi ito naging sapat at kumawala sa mga kamay ng Filipinos ang apat na gintong pinuntirya sa sixth Algirdas Socikas International Boxing Championships dito noong Sabado.

Tatlong golds ng RP pugs ay napunta sa mga kamay ng host country at ang isa naman ay naumit ng Latvia upang makuntento lamang ang Philippines sa ibinulsang apat na silvers na naglagay sa kanila sa ikapitong puwestong pagtatapos sa overall sa 12-bansang lumahok sa mahigpitang boxingfest na ito kung saan pumangalawa ang Belarus na may 2-1-3 gold-silver-bronze medals, sumunod ang Uk-raine na may 2-0-3, Russia (4th) na may 1-2-5, Germany (5th) 1-1-2 at Latvia (6th) 1-0-2.

Naging biktima ng Lithuanians fighters sina lightflyweight Harry Tanamor, flyweight Violito Payla at lightwelterweight Romeo Brin upang ipadama sa iba pang kalahok ang kanilang supremidad nang okupahan ang unang puwesto sa overall ng tatlong araw na event na ito sanhi ng kanilang limang ginto.

Yumukod si lightweight Anthony Igusquiza kay Latvia’s Ahmetovs Andrejs, 17-31 nang hindi niya mapagana ang kanyang mga pamatay na suntok.

Nabigo naman si Tanamor, na nakakuha ng respeto at paghanga ng mga European boxers at boxing officials dito at sa Finland bunga ng kan-yang agresibong estilo na naghatid sa kanya ng bronze sa 2000 world championships kay Lithuanian Rialdas Skerlo, 19-22.

Hindi naman nasus-tinihan ni Payla ang kan-yang ka-agresibuhan na nagbigay sa kanya ng second round stoppage kontra sa Latvian pug sa semis at bumagsak siya sa isa ring Lithuanian, Ivan Stapovic.

Ngunit maging siya mismo at ang kanyang mga teammates ay hindi makapaniwala sa kinalabasan ng iskor, 17-1 na base sa amateur rules, ito ay nangangahulugan ng Referee-Stopped-Contest (RSC-Outclassed)--58 segundo sa second round.

Nagawa namang bumangon ni Brin sa third at ikaapat na rounds upang umahon mula sa seven-point na kalamangan ng kanyang kalaban na si Darius Marciukaitis ng Lithuania. Pero nabigo siya sa iskor na 7-14.

AHMETOVS ANDREJS

ALGIRDAS SOCIKAS INTERNATIONAL BOXING CHAMPIONSHIPS

ANTHONY IGUSQUIZA

DARIUS MARCIUKAITIS

HARRY TANAMOR

IVAN STAPOVIC

LITHUANIAN RIALDAS SKERLO

ROMEO BRIN

TEAM PHILIPPINES

VIOLITO PAYLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with