^

PSN Palaro

Phone Pals sinupil ng Tigers

-
Humataw ang Coca-Cola Tigers sa ikalawang quarter at gumawa ng isang malaking run sa ikaapat na quarter upang putulin ang eight-game winning streak ng Talk ‘N Text Phone Pals sa pamamagitan ng 95-90 panalo sa pagpinid ng eliminations ng Samsung-PBA Governors Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Halos wala nang epekto ang resulta ng labanan sa Tigers at Phone Pals dahil pareho na itong nakakasiguro ng twice-to-beat advantage na ipinagkakaloob sa top four teams sa eight-team quarterfinal phase.

Umangat ng husto si Hale na kumamada ng 42 puntos para sa Tigers bukod pa sa kanyang 10-rebounds at 6 assists na naging dahilan ng ikawalong panalo ng Coca-Cola sa kabuuang 11 laro sa eliminations.

Nauwi lamang sa wala ang pinaghirapang triple double ni Jerald Honey-cutt na nagtala ng 21 puntos, 13 rebounds at 11assists sanhi ng ikalawang pagkatalo ng Phone Pals sa 10 pakikipaglaban.

Pinangunahan ni Hale ang eksplosibong 14-6 run sa bungad ng ikaapat na quarter upang ibandera ang kanilang pinakamalaking kalamangan sa 12 puntos, 87-75 patungong huling 5:23 oras ng labanan.

Hataw agad sina Hale at Rossell Ellis sa unang bahagi pa lamang ng labanan sa kanilang pi-nagsamang 39-puntos upang ihatid ang Coca-Cola sa 54-44 kalama-ngan sa halftime.

Sa ikalawang laro, hindi ininda ng Barangay Ginebra ang kakulangan nila sa tao makaraang igupo ang Batang Red Bull, 98-90.

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

BATANG RED BULL

COCA-COLA

COCA-COLA TIGERS

GOVERNORS CUP

JERALD HONEY

N TEXT PHONE PALS

PHONE PALS

ROSSELL ELLIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with