^

PSN Palaro

National Athletes and Coaches incentives ipapatupad na

-
Ang lahat ay nakahanda na para pasimulan na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagi-implementa ng Republic Act 9064, kilala bilang National Athletes and Coaches incentives Act 2001 sa kalagitnaan ng buwan ng Mayo.

Ang mga application forms ay maaari ng makuha para sa mga Olympic, Asian Games at World Cup medalists na siyang tatanggap ng naturang insentibo.

Ang R.A. 9064 na nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong Abril 2001 ay naglalayon na ang lahat ng medalists sa Olympic Games, Asian Games at quadrennial World Championships ay kuwalipikadong beneficiaries nito.

Ang PSC ay isang government’s sports body ang siyang mangungunang ahensiya sa pagiimplementa ng nasabing batas na tutustusan ng PAGCOR sa kooperasyon ng BIR, Philhealth, SSS, PAGIBIG at House Committee on Youth and Sports para sa non-monetary incentives.

Ang mga aplikante ay kailangang mag-fill-up ng application form at magsumite ng dalawang kopya ng passport size photos, birth certificate, cedula, katibayan ng kanilang qualications o endorsement mula sa kani-kanilang NSAs, action photos, clippings, certificate of awards and medals sa PSC Support Services Division, Room 211 PSC Administrative Building, Pablo Ocampo Sr., Blvd, Malate Manila.

ADMINISTRATIVE BUILDING

ANG R

ASIAN GAMES

HOUSE COMMITTEE

MALATE MANILA

NATIONAL ATHLETES AND COACHES

OLYMPIC GAMES

PABLO OCAMPO SR.

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with