12th Goma Cup papalo sa Abril 16

Papalo ang 12th Goma Cup, ang pinakamatagumpay na celebrity tournament sa bansa sa Abril 16-18 sa Camp John Hay sa Baguio City na lalahukan ng mga top celebrities ng bansa sa pangunguna ng movie and television personality na si Richard Gomez at ng junior golfers.

Bubuksan ang naturang pagtitipon ng isang rehistrasyon sa Abr. 16. Mayroong tatlong kategorya ang nasabing golfest para sa junior golfers na magpapakita ng aksiyon sa naturang araw; 14-and-under, 9-and-under at 7-and-under. At bilang karagdagan, magkakaroon rin ng scheduled para sa mga guest at celebrities’ practice round.

Isang biyahe mula sa Amerika para sa Junior Golf Championship Tournaments ang naghihintay sa mga mananalo sa junior golfer competition na ihahayag kasabay ng hapunan.

Magpapatuloy ang kompetisyon para sa mga celebrities sa Abril 18 na ang mananalo ay pararangalan sa isang formal dinner. Ang tropeo ay idinisenyo ni master potter Jon Pettyjohn ay ipagkakaloob sa mga magwawagi. Ang kasiyahan ay pangangasiwaan ng The Side A band.

Inaasahang lalahok sa 12th Goma Cup ang magkapatid na Sotto, Vic, Val at Maru, mga Yllana brothers na sina Anjo, Jomari at Paulie, Martin Nievera, Ariel Rivera, Gelli de Belen at Raymart Santiago. Magpapakita rin ng aksiyon sina Mayor Joey Marquez, Eddie Gutierrez,Bert Nievera, Nestor de Villa, Gary Lising, Bert de Leon, Kristopher Peralta, Shintaro Valdez, Leah Navarro, Nadia Montenegro at Janice de Belen at iba pa.

Show comments