Foundation U panlaban pa rin
April 14, 2002 | 12:00am
Maagang nagparamdam ng kanilang presensiya ang National defending champion Foundation University makaraang ilista ang unang panalo sa panimula ng Luzon-Visayas-Mindanao eliminations ng 6th Nestea Beach Volley University Championships sa La Salle Greenhills.
Ginapi ng tambalang Kent Bulabon at Isidro Bongcasan ng Foundation U ang parehas nina Glenn Gonzales at Renato Arzaga ng Iloilo Doctors College, 21-17 para ilista ang kanilang unang panalo sa mens division.
Maging ang kababaihan ng Foundation U ay namayani din makaraang igupo ang UNO-R, 21-12.
Nagtala din ng kani-kanilang panalo ang koponan ng DLSU-Dasma-riñas kontra sa Pampanga Agricultural College, 21-17; University of San Carlos vs Ateneo de Davao, 21-15, University of Negros Occidental-Recoletos kontra Central Visayas Polytechnic University, 21-15; University of San Agustin laban sa Central Philippines University, 21-11, University of Assumption-Pampanga vs Children of Mary Immaculate College, 21-3, St. La Salle kontra Holy Cross, 21-10 at University of Mindanao laban sa Southwestern University, 21-17.
Sa kababaihan, ginapi ng Baguio Colleges ang UP-Los Baños, 21-18. Ang iba pang nanalo ay ang St. La Salle, DLSU-Dasma, SWU, PSU at UM.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended