Kasi nga, apat na manlalaro buhat sa Tanduay Rhum lamang ang nanatili sa kampo ng FedEx at itoy sina Dindo Pumaren, Wynne Arboleda, David Friedhoff at Zaldy Realubit. Ipinamigay ng Express ang ibang manlalarong nakuha ng Tanduay sa pamamagitan ng trades noong Disyembre.
Natural sa pakiwari ng karamihan ay matatagalan bago pumailanlang ang Express lalot panay free agents halos ang pinapirma nila ng kontrata.
Oot nakuha nila ang number one pick na si Yancy de Ocampo subalit nangangapa pa rin naman ito at hindi naman puwedeng maging dominante kaagad. At ang isa pa nilang first rounder na si Ren ren Ritualo ay ipinahiram pa nila sa Candidates Pool para sa Philippine team na ipapadala sa Busan Asian Games sa Setyembre.
Nang makalasap ng dalawang sunod na pagkatalo ang FedEx sa simula ng Governors Cup ay hindi naman nagtaka ang mga sumusubaybay sa liga. Ganyan naman talaga ang mga baguhang koponan. Kumbagay nagmamatrikula muna sila. Subalit ng magpalit ng import ang FedEx at kunin si Tim Moore upang halinhan si Rodrick Rhodes, nagbago na ang takbo ng koponan. Napanalunan nito ang anim sa sumunod na walong laro upang makaakyat sa pang-apat na puwesto.
Maganda sana ang records ni Rhodes na naglaro sa All-Rookie game ng NBA. Subalit hindi siya angkop sa FedEx sa dalawang laro, siya ay nag-average lang ng 14-puntos, apat na rebounds, 2.5 assists, 0.5 steal, 0.5 blocked shot at apat na errors.
Sa walong laro naman, si Moore ay mayroong average na 20.5 puntos, 10.63 rebounds, 2.38 assists, 0.63 steal, 2.13 blocked shots at 5.25 errors. So, malaking improvement ito.
Pero ang pinaka-consistent sa lahat ng manlalaro ng FedEx ay si Jermaine Walker na mayroong average na 29.9 puntos, 8.9 rebounds, 3.1 assists, 0.6 steal, 0.9 blocked shot at 2.8 errors.
Tila nga nahahawa kay Walker ang kanyang mga locals na kakampi dahil sa intensity ng kanyang laro. Nag-aanimo Michael Jordan nga siya kung kayat ang taguri kay Walker ay "Air."
At siyempre ang mga locals ng FedEx mayroon ding gustong patunayan. Walang mawawala sa kanila ika nga. Everything to gain kung saka-sakali. Kaya kitang-kita ang kanilang hustle sa lahat ng laro.
Abay kung mananalo ang FedEx kontra sa Talk N Text sa susunod na Sabado, malaki ang posibilidad na magkamit sila ng twice-to-beat advantage sa quaterfinals ng Governors Cup.
Iyon ang matindi!
Siguradong maraming oddmakers ang nagkakamot ng ulo ngayon dahil sa ginagawa ng FedEx Express.